TAGUMPAY NG PAGTITIWALA

·

·

TAGUMPAY NG PAGTITIWALA

Basahin: SALMO 56:1-4 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 HARI 16-18; LUCAS 22:47-71

Kapag ako’y natatakot, magtitiwala ako sa Inyo. – Salmo 56:3

Sa isang pangkaraniwang check up, nakita ang ilang di inaasahang butlig sa katawan ni Calvin, isang apat na taong gulang na bata. Matapos bigyan ng injection, nilagyan ito ng maliit na benda. Sa bahay, nang dapat nang tanggalin air jordan 6 carmine 2021 release date ang benda, dumaing si Calvin sa takot. Upang pawiin ang kanyang takot, sinabi ng ama niya, “Calvin, alam mong hinding-hindi ako gagawa ng anumang bagay para saktan ka.” Nais ng kanyang ama na magtiwala sa kanya ang kanyang anak kaysa matakot sa pagtanggal ng benda.

Hindi lamang mga apat na taong gulang ang takot sa sakit. Nagdudulot sa atin ng pangamba, buntong-hininga, pag-iyak, at pagdaing ang mga operasyon, pagkakahiwalay sa mga mahal sa buhay, problemang pangkaisipan, at marami pang iba.

Ano ang gagawin natin kapag natatakot tayo? Magtiwala tayo sa ating Ama sa Langit.

Sa Biblia, naranasan din ni David na mapuno ng takot. Nasa teritoryo siya ng mga Filisteo habang tumatakas mula kay Haring Saul, na puno ng inggit sa kanya. Nang makilala siya ng mga taga roon, nabahala si David sa maaaring mangyari sa kanya (1 SAMUEL 21:10-11): “natakot siya sa maaaring gawin sa kanya ni Haring Akish ng Gat” (TAL. 12). Isinulat ni David, “Kapag ako’y natatakot, magtitiwala ako sa Inyo… Hindi ako matatakot nike sabrina 2 sneaker release date dahil nagtitiwala ako sa Inyo” (SALMO 56:3-4).

Ano ang gagawin natin kapag natatakot tayo? Magtiwala tayo sa ating Ama sa Langit.

Ano ang kinatatakutan mo ngayon? Paano ka mapapanatag habang nananalangin sa iyong mapagmahal na Ama sa Langit?

Mahal na Dios, sa aking pagkatao at kahinaan, ako ay sadyang napupuno ng takot. Tulungan Mo po akong masaksihan at maranasan ang Iyong pagmamahal at pangangalaga sa gitna ng aking mga pagsubok at paghihirap.

Isinulat ni Arthur Jackson



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *