NAGBAGO NG LUGAR

·

·

NAGBAGO NG LUGAR

Basahin: 2 CORINTO 5:1-10 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 CRONICA 1-3; JUAN 5:25-47

Mas gusto naming iwanan ang aming katawan at makapiling na ang Panginoon. – 2 Corinto 5:8

Nang magsimulang kumalat ang coronavirus noong 2020, namatay ang kaibigan kong si Joann dahil sa stroke. Noong una, inilathala ng pamilya niyang gagawin ang lamay best nike running shoes sa simbahan. Pero naisip nilang sa punerarya na lang ito gawin para makontrol ang dami ng makikiramay. Ito ang naging anunsyo: Joann Warners—Nagbago ng Lugar.

Oo nga, nagbago ng lugar! Mula sa lupa, napunta siya sa langit. Binago ng Dios ang buhay ni Joann maraming taon na ang nakalipas, at buong pagmamahal siyang naglingkod sa Kanya sa loob ng halos limampung taon. At kahit Off – custom air max 1 yellow – White x Nike Blazer Black SPOOKY PACK na malapit na siyang mamatay sa ospital, nakuha pa niyang magtanong tungkol sa mga minamahal niyang alam niyang dumaraan sa pagsubok. Ngayon, kasama na niya ang Dios. Totoong nagbago ang lugar na kinaroroonan niya.

Sa tulong ng Banal na Espiritu, sinisikap nating malugod ang Dios sa atin.

Nais din ni Apostol Pablo na makapiling si Cristo sa ibang lugar (2 CORINTO 5:8). Pero alam din niyang mas makabubuti para sa mga taong pinaglilingkuran niya kung mananatili siya sa lupa. Sumulat siya sa mga taga Filipos: “Pero kailangan kong patuloy na mabuhay para sa kapakanan ninyo” (FILIPOS 1:24). Kapag nagdadalamhati tayo para sa isang katulad ni Joann, maaari tayong tumawag sa Dios: Kailangan ko sila dito, at ng marami pa nilang minamahal at pinaglilingkuran. Pero alam ng Dios ang takdang oras para magbago sila (at tayo) ng lugar.

Sa tulong ng Banal na Espiritu, “sinisikap [nating] malugod ang Dios sa [atin]” (2 CORINTO 5:9) hanggang sa araw na makita natin Siya nang harapan. Walang makahihigit doon.

Paano mo inihahayag ang pagmamahal mo sa Dios at sa iba? Paano mo Siya paglilingkuran sa araw na ito?

Ibinibigay ko pong muli ang aking sarili sa Iyo, mahal na Dios. Puspusin Mo po ako ng Iyong mapagmahal na Espiritu at gawing makabuluhan ang buhay ko.

Isinulat ni Anne Cetas



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *