DIOS NG NOON AT NGAYON

·

·

DIOS NG NOON AT NGAYON

Basahin: JEREMIAS 29:8-14 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 CRONICA 10-12; JUAN 6:45-71

Babalikan Ko kayo at tutuparin Ko ang pangako Ko na ibabalik Ko kayo sa lupain ninyo. – Jeremias 29:10

Marami kaming magagandang alaala sa lugar ng Oregon, kung saan pinalaki namin ang aming mga anak. Sa pagbisita namin kamakailan, bumalik sa akin ang ilang mga alaala. Gaya ng soccer games ng aming mga anak, ang aming lumang tahanan, ang mga pagtitipon sa simbahan, at ang Mexican restaurant ng aming kaibigan. Nagbago na ang bayan, ngunit sapat nang makita ko ang mga pamilyar na lugar para magnais na bumalik muli.

Lubos din ang naging pangungulila ng mga Israelita nang ipatapon sila sa Babilonya. Ninais nilang balikan ang mga tao, lugar, at kulturang pamilyar sa kanila. Nakalimutan nilang kaya sila ipinatapon ay dahil sa pagrerebelde sa Dios. Noong sabihin sa kanila ng mga huwad na propetang uuwi na sila sa loob ng dalawang taon (JEREMIAS 28:2-4; 29:8-9), naniwala sila agad. Napakadaling maniwala sa matatamis na salita ng mga huwad na propetang may dalang pangakong malapit na silang makauwi.

Huwag nating palampasin ang ginagawa ng Dios sa kasalukyan.

Pero hindi hinayaan ng Dios ang maling pangako ng mga huwad na propeta. “Huwag kayong palilinlang sa mga propeta ninyo o sa mga kasama ninyong manghuhula,” sabi Niya (29:8). Mayroon Siyang “plano para bigyan Off – custom air max 1 yellow – White x Nike Blazer Black SPOOKY PACK [sila] ng pag-asa na magkaroon [sila] ng mabuting kinabukasan” (TAL. 11). Bagama’t mapanghamon, mahirap, at bago ang sitwasyon nila, kasama pa rin nila ang Dios: “Kung lalapit kayo sa Akin nang buong puso, tutulungan Ko kayo” (TAL. 13). Ibabalik sila ng Dios “sa sarili [nilang] lupain” (TAL. 14). Pero, sa panahong itinakda Niya.

Nakasisilaw ang ganda ng nakalipas, at madalas, ninanasa nating balikan ito. Ngunit huwag nating palampasin ang ginagawa ng Dios sa kasalukyan. Tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako.

Ama, tulungan Mo po akong hanapin Ka sa kasalukuyan nike sabrina 2 sneaker release date, at hindi naising bumalik sa nakaraan.

Isinulat ni Matt Lucas



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *