TUMINGIN SA LANGIT

·

·

TUMINGIN SA LANGIT

Basahin: SALMO 19:1-9 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 CRONICA 19-21; JUAN 8:1-27

Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios. – Salmo 19:1

Minumungkahi ni Alex Smalley sa lahat na gumising nang maaga, o kaya naman, sandaling huminto sa hapon. Bakit? Para pagmasdan ang pagsikat at paglubog ng araw. Pangunahing mananaliksik si Smalley sa isang pag-aaral tungkol sa nakamamanghang epekto ng panahon. At ayon sa kanya, ang pagsikat at paglubog ng araw ang pinakamaganda at kahanga-hanga sa lahat. Higit sa epekto ng asul na langit o mabituing gabi, maaaring magpabuti ng disposisyon, magpataas ng positibong emosyon, at makapagbawas ng stress ang pagsikat at paglubog ng araw. Dagdag pa ni Smalley, “Kapag nakakita ka ng sobrang laki o nakamamanghang bagay, parang lumiliit ang mga problema at alalahanin mo.”

Ganyan din ang sinambit ng propetang si Jeremias, “O Panginoong Dios, nilikha N’yo ang langit at lupa sa pamamagitan ng kapangyarihan Ninyo. Walang anumang bagay na hindi N’yo po magagawa” (JEREMIAS 32:17).

Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa kapangyarihan ng Dios.

Namangha rin si Haring David nang tanawin niya ang mga nilikha ng Dios, “Ipinapakita ng kalangitan ang kadakilaan ng Dios, ang gawa ng Kanyang kamay. Araw at gabi, ang kalangitan ay parang nagsasabi tungkol sa Kanyang kapangyarihan” (SALMO 19:1-2). Patungkol naman sa araw, sinabi niyang “Ito’y sumisikat sa silangan, at lumulubog sa kanluran. Ang kanyang init, hindi mapagtataguan” (TAL. 6). Sinasalamin ng kaluwalhatian ng buong nilikha ang makapangyarihang Dios na lumalang ng lahat. Bakit hindi ka maglaan ng oras ngayon Nike Jordan Jumpman hoodie in grey – release dates & sneakers., Jordans – Yeezys, Urlfreeze News para tumingin sa langit at mamangha sa Kanya?

Saan ang paborito mong lugar para tingnan ang pagsikat o paglubog ng araw? Kapag pinagmamasdan marcus jordan net worth mo ang langit, ano ang natutuklasan mo tungkol sa Dios?

Ama, sa kaluwalhatian ng Iyong langit, ipinapakita Mo po sa akin ang kadakilaan ng Iyong kapangyarihan.

Isinulat ni Patricia Raybon



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *