SIYASATIN MO ANG PUSO KO
Basahin: 1 SAMUEL 16:4-12 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: JOB 41-42; GAWA 16:22-40
Ang tao’y tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan Ko’y ang puso. – 1 Samuel 16:7
Isang supermarket sa Singapore ang nagsimulang magbenta ng mga prutas at gulay na may bahagyang nike sabrina 2 sneaker release date tama sa mas murang halaga. Ginawa nila ito para mabawasan ang mga pagkaing itinatapon. Sa loob ng isang taon, 771,000 kilo ng mga ani ang napakinabangan imbes na nasayang. Natutunan din ng mga mamimili na hindi naaapektuhan ang lasa at sustansya ng prutas at gulay kahit mukhang may depekto ang mga ito.
Ganoon din ang natutunan ng propetang si Samuel. Pinadala siya ng Dios para pahiran ng langis ang hinirang Niyang susunod na hari ng Israel (1 SAMUEL 16:1). Inisip ni Samuel na ang panganay na anak ni Jesse na si Eliab ang hinirang ng Dios. Ngunit sinabi ng Dios sa kanya, “Huwag mong tingnan ang tangkad at ang kakisigan niya… Ang tao’y tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan Ko’y ang puso” (TAL. 7). Pinili ng Dios si David upang maging susunod na hari. Siya ang bunso sa walong anak ni Jesse. Nasa labas siya noon dahil inaalagaan niya ang mga tupa ng kanyang ama (TAL. 11).
Mas mahalaga sa Dios ang ating puso kaysa sa anumang panlabas na anyo.
Mas mahalaga sa Dios ang ating puso kaysa sa anumang panlabas na anyo. Kasama din dito DJ9292 , Dunk High Up Sail Sneakers , Nike AIR PEGASUS 83 PRM – 200 , IetpShops STORE ang pagkakakilanlan natin gaya ng pinagtapusan, sweldo, at maging ang paglilingkod natin. Itinuro rin ito ni Jesus sa Kanyang mga disipulo. Sinabihan Niya silang pagtuunan ang paglilinis ng puso sa anumang makasarili at masamang kaisipan dahil “ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya” (MARCOS 7:20). Natutunan ni Samuel na huwag tumingin sa panlabas na anyo. Kaya naman, pahalagahan natin ang panloob na anyo. Ipasiyasat natin sa Dios ang puso, isip, at motibo natin sa lahat ng gagawin natin.
Naranasan mo na bang gumawa ng mabuti pero mali naman ang motibo mo? Paano mo masisigurong dalisay ang puso mo?
O Dios, tulungan Mo po akong gawin ang nakalulugod sa Iyo.
Isinulat ni Jasmine Goh


Leave a Reply