MAS MAINAM KUNG SAMA-SAMA
Basahin: SALMO 133 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: SALMO 10-12; GAWA 19:1-20
Katulad din nito’y hamog sa umaga. – Salmo 133:3 ᴍʙʙ
Hayag kay Dr. Tiffany Gholson ang maraming kaakibat na epekto ng krimen sa lungsod nila sa East Saint Louis, Missouri. Pero noong 2023, bumaba ng 31% ang mga krimen ng pagpatay. 37% naman ang ibinaba ng lahat ng krimen. Paano nangyari ito? Nagsanib pwersa kasi ang kapulisan, eskwelahan, at simbahan na tinawag nilang Public Safety nike sabrina 2 sneaker release date Enforcement Group. Dahil sa kanilang pagtutulungan, nagbago ang kanilang lungsod.
Para kay Dr. Gholson, hindi lang pagkakaisa ang pagsasanib pwersa nila, kundi isang pag-iisa. Ang Wraparound Wellness Center na pinangungunahan niya ang bahala sa pagkalinga sa mga batang naapektuhan ng mga krimen at aksidente. Tinrabaho naman ng mga pulis ang pagbuo ng koneksyon sa mga tao. Sinimulan nilang makipag-usap at makinig. Gayundin, ibinahagi ng ibang mga ahensya ang mga kaya nilang iambag.
Walang doktrina o pulitika ang dapat na makapaghati sa atin dahil iisa tayo.
Ayon sa salmistang si David, “Napakagandang tingnan ang mga mamamayan ng Dios na namumuhay nang may pagkakaisa” (SALMO 133:1). Ayon pa sa kanya, “katulad din [ang pagkakaisa] ng hamog sa Bundok ng Hermon” (TAL. 3). Tinutukoy dito ni David ang mga taong may iisang pananampalataya sa Dios. Walang doktrina o pulitika ang dapat na makapaghati sa atin dahil iisa tayo. Marahil hindi pa natin nakikita ang kaganapan nito sa ngayon. Kaya sikapin nating magpakita ng malasakit sa isa’t- isa. Lalo na sa mga naghuhumiyaw na maranasan ang pag-ibig ni Jesus.
Paano ka magagamit ng Dios upang magsimula ng pagkakaisa?
Ama, sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu, tulungan Mo po akong maging instrumento ng pagkakaisa sa aking komunidad.
Isinulat ni Patricia Raybon


Leave a Reply