DISYERTONG NAMUMULAKLAK
Basahin: ISAIAS 35:1-7 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 2 HARI 7-9; JUAN 1:1-28
Mamumulaklak ang mga halaman sa disyerto. – Isaias 35:1 ᴍʙʙ
Sa nakalipas na isang siglo, 40% ang kagubatan sa bansang Ethiopia. Pero ngayon, 4% na lang ito. Maituturing itong krisis, na dulot ng pagwasak ng mga puno kapalit ng pagsasaka ng ekta-ektaryang lupa para sa pananim nike huarache 2004 black mustang gt manual South Beach CZ0328 – 400 2021 Release Date Info – nike huarache 2004 black mustang gt manual , IetpShops. Kung titingnan ang mga kuha mula sa ere, makikita ang tila mga luntiang isla na napalilibutan ng kayumangging buhangin. Upang hindi mawala ang mga natitirang kagubatan o oasis sa disyerto, pinangangalagaan ito ng mga lokal na simbahan ng Ethiopian Orthodox Tewahido. Para sa mga pinuno ng simbahan, bahagi ng kanilang pagsunod sa Dios bilang mga katiwala ng Kanyang nilikha ang pagbabantay sa mga puno.
Sa Biblia, namuhay ang bayan ng Israel sa disyertong tigang. Laging may banta ng matinding tagtuyot. Sumulat ang propetang si Isaias sa kanila upang ilarawan ang hinaharap na nilalayon ng Dios para sa kanila: “Ang disyerto ay matutuwa na parang tao. Mamumulaklak ang mga halaman dito” (ISAIAS 35:1). Nais ng Dios na pagalingin hindi lamang ang Kanyang mga tao, kundi pati na rin ang mundo. “Gagawa [Siya] ng bagong langit at bagong lupa” (65:17). At sa bagong mundo na Kanyang gagawin ir jordan 4 tour yellow 200, “mamumulaklak ang mga halaman sa disyerto” (35:2 ᴍʙʙ).
Sa pangangalaga ng mga nilikha, maaari tayong maging katuwang ng Dios sa Kanyang plano.
Pinangangalagaan ng Dios ang Kanyang nilikha. Kabilang dito hindi lamang ang kalikasan, kundi maging ang sangkatauhan. Nag- uudyok ito sa atin upang pangalagaan din natin ang mundo. Sa pangangalaga ng Kanyang nilikha, maaari tayong maging katuwang ng Dios sa Kanyang plano upang hilumin ang mundo. Samahan natin ang Dios sa Kanyang pagbibigay buhay sa lahat ng uri ng disyerto.
Saang bahagi mo nakikitang tigang o naghihirap ang sangkalikasan? Paano ka makikibahagi upang mamulaklak ang mga disyerto?
Dios na Manlilikha, tulungan Mo po akong makita kung paano ako tutulong sa pagpapagaling at pagpapanumbalik ng mga nasira sa mundong ito.
Isinulat ni Winn Collier


Leave a Reply