UMASA SA DIOS

·

·

UMASA SA DIOS

Basahin: 2 CRONICA 16:1-9 | Para mabasa ang Biblia sa loob ng isang taon: 1 CRONICA 16-18; JUAN 7:28-53

Nakatingin ang ᴘᴀɴɢɪɴᴏᴏɴ sa buong mundo para palakasin ang mga taong matapat sa Kanya. – 2 Cronica 16:9

Sa unang dalawang pelikula tungkol sa boksingerong si Rocky, isinaysay kung paano niya napagtagumpayan ang maraming hadlang. Mula sa pagiging hamak na boksingero, naging heavyweight champion siya dahil sa kanyang determinasyon. Sa Rocky III naman, dala ng kanyang tagumpay, kasikatan, at pagka- bilib sa sarili, yumabang si Rocky at naging pabaya. Kaya naman nang muli siyang lumaban, na-knockout siya. Ipinakita sa pelikula kung paano siya nagsikap na maibalik ang kanyang husay.

Maihahalintulad iyan sa nangyari kay Haring Asa ng Juda. Sa unang bahagi ng kanyang paghahari, palagi siyang nakasandal sa Dios sa anumang labanan. Gaya nang salakayin sila ng mga taga-Etiopia. Nanalangin OdegardcarpetsShops° , 2013 nike air men black shoe boots size chart , Where to Buy the jordan retro 11 price in kenya si Asa, “Tulungan N’yo po kami, O Panginoon naming Dios, dahil umaasa po kami sa Inyo, at sa Inyong pangalan, pumunta kami rito laban sa napakaraming sundalong ito” (2 CRONICA 14:11). Sinagot ng Dios ang kanyang panalangin. Nilipol at tinalo nila ang mga taga Juda (TAL. 12-15).

Tunay na maaasahan ang Dios.

Pagkaraan ng maraming taon, muling nakatanggap ng pag- babanta ang Juda. Pero naging kampante si Asa. Hindi siya sa Dios lumapit. Sa halip, humingi siya ng tulong sa hari ng Aram (16:2-3). Akala ni Asa, panalo siya sa ginawa ike clogposite 2024 colorway niya. Pero hindi ito ikinatuwa ng Dios. Sinabi sa kanya ng propetang si Hanani na nawalan na siya ng tiwala sa Dios (TAL. 7-8). Bakit hindi siya umasa sa Dios gaya ng dati?

Matutunan nawa nating tunay na maaasahan ang Dios. “Nakatingin ang Panginoon sa buong mundo para palakasin ang mga taong matapat sa Kanya” (TAL. 9). At mararanasan natin ang Kanyang kapangyarihan kapag lubusan tayong umaasa sa Kanya.

Habang tumatanda ka, mas madali ba o mas mahirap magtiwala sa iyong Ama sa Langit? Bakit, sa palagay mo? Paano kaya mapalalakas ng Dios ang iyong pananampalataya?

Mahal na Jesus, tulungan Mo po akong umasa sa Iyo bawat araw.

Isinulat ni Mike Wittmer



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *